Magiging kaabang-abang umano ang marami pang big-ticket projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa decongestion program nito na inaasahang matatapos na ngayong buwan.
Partikular na rito ang decongestion project sa Epifanio De los Santos Avenue (EDSA).
Ayon kay DepEd Sec. Mark Villar, may ilang undertakings umano ang makakatulong para bawasan o tuldukan ang trapik na matagal nang problema sa bansa.
Isa sa mga proyekto sa nasabing programa ay ang 18-kilometer Skyway Stage 3 project na binuksan noong Disyembre 29 at magiging fully operational na sa Enero 14.
Pinangunahan nina Villar at San Miguel Corporation (SMC) president Ramon Ang ang naturang event noong Huweves kung saan libreng makakadaan ang mga motorista sa elevated expressway sa loob ng isang buwan.
Dahil sa nasabing proyekto ay 30 minuto na lamang ang gugugulin ng isang motorista mula South Luzon Expressway (SLEX) patungong North Luzon Expressway (NLEX).
Habang 20 minuto naman ang Makati papuntang Quezon City.