-- Advertisements --

Iginagalang ng Makati City government ang pinal na desisyon ng Department of Tourism (DoT) na nagpapataw ng mas maikling suspension period sa Berjaya Hotel, kumpara sa unang order na inilabas nila.

Matatandaang agad nagpatupad ng tatlong buwan na suspensyon ang lokal na pamahalaan laban sa hotel, ngunit sa panibagong order ng kagawaran ng turismo, dalawang buwan lamang ang ipinapataw nito.

Ayon sa tagapagsalita ng Makati LGU na si Michael Camiña, tatalima sila sa DoT dahil ito ang angkop na ahensya para sa iskandalong kinasangkutan ni “poblacion girl” at ang kapabayaan ng hotel.

Ipinaliwanag din nitong ang agarang suspensyon na kanilang ipinataw sa hotel ay upang hindi na maulit pa ang pangyayari, habang hindi pa nakakapaglabas ng desisyon ang proper agency.

Maliban sa suspensyon, may monetary penalty rin para sa bawat araw ng nangyaring mga violations.