Todo raw ang panawagan ng mga local government units (LGUs) na mabigyan sila ng mas malawak na kapangyarihan sa pagsasailalim sa kanilang mga lugar sa mga Coronavirus disease 2019 (COVID-19) alert levels at protocols.
Ayon sa League of Provinces of the Philippines (LPP) President and Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., dapat daw ang makonsulta rin ang mga LGUs sa ano mang alert level na kanilang gusto.
Nais daw ng mga LGUs na mailagay ang kanilang mga lugar sa mga measures at protocols na tugma sa kanilang mga territorial jurisdictions.
Dagdag ni Velasco, hiniling na rin daw ng mga LGUs sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na ipagpaliban muna ang expansion ng Alert Level System sa labas ng Metro Manila sa November 1.
Kailangan din umano ng mga LGUs ng oras para bumalangkas ng executive orders, pag-aralan ang mga guidelines bago ipatupad at kailangan din nilang abisuhan ang kanilang mga constituents kaugnay ng naturang alert levels.