Binigyang diin ng Board of Investments (BOI) na susuriin ng mga ahensya ng gobyerno ang mga regulasyon na magpaparusa sa overloading ng sasakyan sa gitna ng pagpapatuloy ng problema sa isa sa mga pangunahing arterial highway ng bansa.
Sinabi ng BOI na nag-organisa ito ng inter-agency meeting kamakailan kung saan ilang ahensya ang sumang-ayon na repasuhin ang mga implementing rules and regulations ng Republic Act No. 8794, o kilala bilang “An Act Imposing a Motor Vehicle User’s Charge on Owners of all TypesTypes of Motor Vehicles and for Other Purposes.
Ito ay bilang tugon sa patuloy na isyu ng overloading sa North Luzon Expressway (NLEx).
Ang NLEX ay isang 105-kilometrong road system na nag-uugnay sa Metro Manila sa Central at Northern Luzon.
Ayon sa naturang board, napapanahon ito, dahil batay sa mga kinatawan mula sa DPWH, ang ahensya ay bumuo na ng isang special committee para suriin ang IRR ng R.A. 8794.
Napagkasunduan sa pagpupulong na ang mga pagbabago sa IRR ay dapat isama ang mga bagong uri ng mga truck at magbigay ng na-update na pagkalkula ng kabuuang timbang ng sasakyan upang isama ang mga dimensions nito.
Ang NLEX ay nagpapatupad mula pa noong Agosto ng nakaraang taon ng 33-tons gross vehicle weight (GVW) restriction sa Candaba Viaduct southbound dahil sa structural condition nito.
Sinuportahan ng isang pag-aaral ng DPWH, ito ay mas mahigpit kaysa sa 45-tons maximum na gross vehicle weight sa ilalim ng RA No. 8794.
Una nang nagpahayag ang LGU ng Pampanga at Bulacan ng pagkabahala kung magpapatuloy ang overloading na maaaring makasira sa road system sa nasabing lugar.