-- Advertisements --
OFWs SaudiArabia
FILE PHOTO: Repatriated Overseas Filipino Workers or OFWs arrive at an airport after being allowed to go home following weeks of quarantine amid the spread of the coronavirus disease (COVID-19), in Pasay City, Metro Manila, Philippines May 26, 2020. REUTERS/Eloisa Lopez

Nakatakdang ipatupad ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang mas mahigpit na departure formalities para sa mga Pilipinong bumibiyahe sa ibang bansa simula sa Setyembre 3
upang pigilan ang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng human trafficking.

Ang pahayag ng konseho ay inilabas ni DOJ Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano kung saan nailathaka ang binagong mga alituntunin noong Agosto 18 at magiging epektibo 15 araw mula sa petsa ng paglalathala.

Ilan sa mahahalagang features sa bagong guidelines ay minamandato ang immigration officers na magtanong lamang ng relevant na katanungan at imandato sa papalabas na pasahero na magpakita ng supporting documents.

Sa ikalawang inspeksiyon naman, hindi dapat na lumagpas sa 15 minuto maliban kung may hindi pangkaraniwang pangyayari na nangangailangan ng mas mahabang panahon ng inspeksiyon.

Magsisimula aniya ang 15-minute period sa pagsisimula ng interview ng secondary inspection officer.

Ayon naman kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval sa kasagsagan ng inspection, maghahanap ng mga dokumento ang immigration officers bilang patunay ng relasyon ng Pilipinong patungo sa ibang bansa kasama ang partner nitong dayuhan kabilang ang mga larawan at iba pang kaugnay na dokumento.

Susuriin din ng mga tauhan ng immigration ang kakayang pinansiyal ng dayuhan na pondohan ang kanilang paglalakbay at kung ang dayuhan ay nakapag-sponsor na ng biyahe noon.

Sa mga bagong alituntunin, ang mga pasaherong bumibiyahe na may kasamang menor de edad ay kinakailangang magpakita ng certificate of exemption mula sa Department of Social Welfare and Development kung ang mga magulang ay hindi kasal, ang mga kasama sa paglalakbay ay isang legal guardian at biological father.

Nakalista din ang mga batayan para sa mga opisyal ng immigration na ipagpaliban ang pag-alis ng isang pasahero kapag tumangging sumailalim sa pangalawang inspeksyon; may nakakadudang layunin ng paglalakbay; hindi pare-pareho o hindi sapat na paglalakbay o mga supporting documents, pagpapakita ng fraudulent, falsified, o tampered travel o supporting documents; hindi pagsunod sa mga naunang kinakailangang departure requirements ng pasahero na isang potensyal na iligal na narecruit, o isang pinaghihinalaang illegal recruiter.