Pinaplano ngayon ng Commission on Elections na magpatupad ng mas mahabang voting hours para sa gaganaping midterm elections sa susunod na taon.
Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia, target ng komisyon palawigin pa mula alas-5:00am hanggang alas-7:00 ng gabi ang voting hours para susunod na halalan mula sa dating alas-7:00am hanggang alas-3:00pm.
Ayon kay Garcia, layunin nito na mabigyan pa ng mahabang oras ang mga botante na gamitin ang kanilang karapatan na bumoto.
Bukod dito ay ipinaliwanag din niya na ito ay magbibigay din ng sapat na oras upang mas maipaliwanag sa mga botante ang bagong sistema ng mga bagong machines na gagamitin para sa nasabing eleksyon.
Ang makabagong teknolohiya na ito ay magmumula sa South Korean joint venture firm na Miru Systems, na napili para sa Php18-billion na kontrata para sa 2025 polls automation project.
Magugunitang una nang ipinatupad ng Comelec ang pilot testing ng 5am to 7am voting hours noong 2023 BSKE para sa mga botanteng kabilang sa sektor ng PWD, senior citizens, at buntis sa Naga City at Muntinlupa City.