-- Advertisements --

Isusulong ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano sa 18th Congress ang mas mahabang term limits para sa mga elected officials sa bansa.

Ginawa ni Cayetano ang naturang pahayag sa mga kongresista na sumusuporta sa kanyang katunggali sa sa speakership race na si Leyte Rep. Martin Romualdez.

Sinabi ni Cayetano na sa pagsusulong nila ng federalism sa 18th Congress, nakikita raw niya na papayag ang Senado para apat na taon, walang term limit; o limang taon, pero may tatlong term limit para sa bawat elected officials.

Ayon sa kongresista, hindi ito pamumolitika kundi “practical thing” lamang na gawin.

Samantala, nilinaw naman din nito na hindi niya ito isinusulong upang sa gayon ay palawigin ang termino ng incumbent officials, maging ang kanilang term-sharing agreement ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Batay sa kanilang napagkasunduan, uupo ng 15 buwan si Cayetano habang si Velasco naman ay mayroong 21 buwan para pamunuan ang Kamara sa 18th Congress.