Planong matutukan ng Department of Information and Communications Technology at Department of Transportation ang mga serbisyong hatid sa pagsakay at pagpunta ng mga pasahero sa tren ng MRT-3.
Kung saan pokus ng mga kagawaran ang pagpapabilis at pagkakaroon ng maasahang maayos na internet o Wi-Fi connection sa mga istasyon nito.
Pati ang contactless payments at AI-powered security technology ng Metro Rail Transit o MRT-3 ay layon ding mapaganda.
Maaalala nito lamang nakaaraan ay isinagawa nina DICT Secretary Henry Aguda at DOTr Secretary Vince Dizon ang isang inspection at pagsakay ng tren upang makita at mapakinggan mismo ang hinaing ng mga pasahero.
Sa isang panayam kay Secretary Aguda ng Department of Information and Comunications Technology, aniya para umano good vibes ang lahat ng mga sasakay, libreng Wi-Fi ang isa sa kanilang bibigyang pansin.
Dagdag pa niya, nakakipag-ugnayan na raw ang kanilang kagawaran sa mga telecommunications providers upang mapabilis ang bandwith at mapalakas o mapalawak ang kayang maabot ng Wi-Fi connectivity.
Nakapaloob rin aniya rito ang pagpapaganda ng mga in-station fiber networks at signal infrastructures ng naturang transportasyon. Kaya naman ibinahagi ni Secretary Aguda na makakaasa umano ang publiko na maramdaman ang mga pagbabagong ito sa susunod na buwan.
Maging ang mga commuter-friendly innovations kabilang ang contactless fare payments at paggamit ng AI sa mga security screening systems ay kasamang pagtutuunan din ng pansin.
Ito ay bunsod ng kolaborasyon at pagtutulungan ng dalawang kagawaran ng Department of Information and Communications Technology at Department of Transportation.