-- Advertisements --
Bureau of Immigration

Mas mabilis na at convenient na immigration procedure ang aasahan ng mga pasaherong babiyahe mula at palabas ng Pilipinas simula sa Abril 15 ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Ito ay kasabay ng ganap na implementasyon ng e-Travel System na isang single data collection platform para sa mga dumarating at umaalis na mga pasahero sa layong magkaroon ng integrated border control, health surveillance at economic data analysis.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco na sa high-tech na sistema na ito, minamandato ang lahat ng mga pasahero at crew members na dumarating sa bansa na magrehistro sa pamamamagitan ng etravel.gov.ph ng hindi mas maaga sa 72 oras mula sa kanilang intended arrivals bansa.

Ang mga mabibigong magpatala ay maaaring magpa-assist sa airline staff pagkadating at bago ang assessment ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Tanging ang mga pasaherong Pilipino na palabas ng bans ang kailangang magpatala sa e-travel system 72 oras subalit hindi bababa ng tatlong oras mula sa kanilang scheduled dparture mula sa Pilipinas.

Ang mga pasahero namang nakapagpatala na maaaring i-update na lamag ang kanilang e-travel status sa ilalim ng Edit Registration tab habang ang crew members naman ay maaaring mag-update sa ilalim ng registered Crew tab.

Una ng inirolyo ang naturang platform para sa arrival area noong Disyembre at pinalawig pa para masaklaw ang mga biyaherong palabas ng bansa.
Top