Mas mabilis na makakabangon ang ekonomiya ng Pilipinas kumpara sa inaasahan sa darating na 2021 kung sakaling maging available na sa bansa ang COVID-19 vaccine.
Base sa kanilang latest Philippine Economic Update, sinabi ng World Bank na babagsak pa ang ekonomiya ng bansa ng 8.1 percent ngayong taon dahil sa “multiple shocks” bunsod ng COVID-19 pandemic, mga mapinsalang bagyo noong Nobyembre, at global recession.
Pero inaasahan namang bahagyang makakabangon ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.9 percent at 6.0 percent sa 2021 at 2022, dahil sa pagbalik ng mga economic activities kapag bumuti na ang infection curve domestically.
Gayunman, dahil wala pang katiyakan sa timing, effectiveness at implementation ng COVID-19 vaccine sa susunod na taon, hindi na nila ito isinaalang-alang sa kanilang 2021 gross domestic product (GDP) projections, ayon kay World Bank senior economist Rong Qian.
Gayunman, kapag masimulan ang roll out ng bakuna sa susunod na taon, sinabi ni Qian na talagang bibilis ang recovery ng ekonomiya kumpara sa kanilang projections.
Nabatid na ang projection ng World Bank ngayong taon at sa 2021 ay tugma sa revised economic assumptions ng mga economic managers na 8.5 percent at 9.5 percent contraction ngayong 2020.
Inaasahan din ng economic team na ang GDP ng Pilipinas ay tataas ng 5 percent hanggang 7.5 percent sa 2021 at 8 percent hanggang 10 percent naman sa 2022.










