Inaasahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) na lalo pang babagal ang economic growth ng Pilipinas pagsapit ng second quarter ng taon.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, sa kanilang tantya ay lalo pa itong hihina mula sa naitalang 0.2 percent gross domestic product (GDP) rate sa unang tatlong buwan ng 2020.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang -0.2 percent first-quarter growth ay pinakaunang contraction ng local economy magmula noong 1998 nang tamaan ang bansa ng El Niño phenomenon at Asian Financial Crisis.

Magugunita na Marso 17 pa nang isinailalim ang Metro Manila at iba pang high-risk areas sa community quarantine.

Sinabi ni Chua na sa ilalim ng enhanced community quarantine, tanging 25 percent lamang sa kanilang normal operations ang ginawa ng mga negosyo.

Dahil dito, tila malabo na para makamit ng Pilipinas ang target na 6.5-7.5 percent growth target para sa kasalukuyang taon.