-- Advertisements --

Bunsod ng pagtaas ng halaga ng langis at ilang bilihin, mas mababa ang naitatalang biyahero ngayon sa mga pangunahing expressway kumpara sa nakaraang taon.

Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB), hindi kasing taas ang inaasahang traffic volume ngayong Semana Santa kumpara sa mga peak travel season gaya ng 2025.

Gayunpaman, nananatiling alerto ang TRB at iba pang ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.

Kasabay nito, suspendido ng MMDA ang number coding scheme sa Metro Manila upang bigyang-daan ang mas maayos na biyahe.

Mahigit 700 pulis at 92 patrol teams naman ang ide-deploy ng PNP Highway Patrol Group sa 179 lokasyon para sa seguridad at tulong sa mga motorista.

Sa kabuuan, mas kaunti man ang bibiyahe ngayong Semana Santa, nananatiling handa ang pamahalaan upang masigurong ligtas at maayos ang paglalakbay ng publiko.