-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkaalarma ang isang grupo ng meat importers sa bansa nang dahil sa mas kakaunting supply ng karneng baboy ngayon mula sa ibang bansa.

Sa gitna ito ng nararanasang limitadong supply ng karneng baboy mula abroad nang dahil sa mga ePekto ng African swine fever.

Bukod dito ay nagpahayag din ng pangamba ang ilang grupo ng mga magbababoy sa ipinatupad na suspensyon ng Department of Agriculture sa minimum access volume o tariff quota para sa baboy.

Sa pamamagitan kasi nito ay na pahihintulutan ang mga meat importer na makipagkalakalan Sa mas mababang rate ng taripa.

Dahil dito ay nanawagan ang mga ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng pagrerekomenda ng ilang measers sa Economic managers ng administrasyon na labanan ang inflation, kabilang na ang pagpapalawig pa sa mas mababang taripa sa karneng baboy habang pinapalawak naman ang minimum access volume para sa karneng baboy at manok.

Samantala, batay sa Pinakahuling datos na inilabas ng Bureau of Animal Industry ay lumalabas na nasa kabuuang 273.6 million kilograms ang mga karneng baboy na pumasok sa bansa sa unang tatlong buwang ng taong 2024.

Mas mataas ito ng 3.1% mula sa 265.5 million kg na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.