-- Advertisements --
Iminungkahi ni Ukrainian President Volodomyr Zelensky ang pagpapalawig ng martial law.
Sinabi nito na ipapatupad ito ng 90 araw na magsisimula sa Mayo 25.
Naisumite na nito ang dokumento sa parliamento at dapat ay maaprubahan ito ng kalahati sa bilang ng mga mambabatas.
Nauna ng ipinatupad ang martial law sa Ukraine noong Pebrero 24 isang araw matapos ang paglusob ng Russia.
Una itong ipinatupad ng 30 araw at ito ay dalawang beses na pinalawig.