-- Advertisements --

Matagumpay na nasungkit ni Mark Magsayo ang WBC world featherweight championship belt kasunod ng majority upset decision kontra injured Gary Russell Jr sa kanilang laban ngayong araw ng Linggo sa Borgata Hotel Casino sa Atlantic City, USA.

Makalipas ang 12 rounds nang bakbakan, binigyan ng isa sa mga judged ang laban ng score na 114-114 habang ang dalawang iba pa ay binigyan naman si Magsayo ng 115-113 score.

Sa ngayon, mayroon nang 24-0 record na may 16 knockouts ang Pinoy boxer, habang si Russel naman ay mayroon nang 31-2 standing.

Kapwa nagpakitang gilas ang dalawang boksingero sa unang bahagi pa lamang ng laban.

Si Magsayo, na madalas ay nagpapakawala ng uppercut, ay punterya ang katawan ni Russell.

Naging pasensyoso siya sa paghihintay kay Russell bago pa man nagpakawala ng mababagsik na counter-punches.

Lalo pang hinusayan ni Magsayo ang kanyang laban sa round three, nang pinaghalo ang offensive at defensive arsenal para mapuruhan si Russell.

Nagtamo naman ng injury si Russell sa round four pero tiniis niya ito at tinapos pa ang naturang round.

Pagsapit ng round six hindi na gaano malakas ang kanan ni Russell kaya nakakalapit si Magsayo sa kanya.