-- Advertisements --

Nakatikim ngayon ng unang pagkatalo ang undefeated boxer na si Mark Magsayo matapos ang split decision sa laban nila ng Mexican boxer na si Rey Vargas.

Dahil dito, hawak ngayon ni Vargas ang WBC featherweight world title matapos ang makapigil-hiningang laban.

Nanalo si Vargas sa pamamagitan ng score na 115-112, 115-112 at 114-113.

Ginanap ang laban sa Alamodome sa San Antonio, Texas.