Mark Herras
-- Advertisements --

Ikinasal na ang actor na si Mark Herras sa nobya nitong si Nicole Donesa.

Sa social media account ni Donesa ay makikita ang civil wedding ng dalawa noong Setyembre 8.

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Pawang mga malalapit na kaibigan at kaanak lamang ang inimbitahan dahil sa pandemiya
Plano ng dalawa na magkaroon ng church wedding kapag gumanda na ang kalagayan ng bansa.

Nauna rito isinilang ni Donesa ang anak nila ng actor na pinangalanang si Mark Fernando.

-- Advertisement --