-- Advertisements --

Tinatayang makakabawi na ang naluging maritime trading sa buong mundo matapos ang matinding epekto ng COVID-19 pandemic, mula pa noong unang quarter ng taong 2020.

Ayon sa pahayag ng United Nations Conference on Trade Development, inaasahang sasampa sa 4.8 percent ang magiging paglago ng maritime trade sa susunod na taon.

Bunsod na rin ito ng pagbubukas ng iba’t-ibang industriya sa daigdig, pati na ng mga bansang nagpa-iral ng lockdown.

Positibo naman ang pananaw dito ng Department of Labor and Employment (DOLE), dahil sisigla na rin ang kabuhayan ng daan-daan libong Filipino seafarers.