-- Advertisements --

Nalungkot ang fans ng tinaguriang “May-December love affair” na sina Maris Racal at former Rivermaya vocalist na si Rico Blanco.

Matatandaang taong 2021 nang kumpirmahin ng actress ang relasyon nila ni Rico.

Naging agaw-pansin ang kanilang relasyon sa mata ng publiko dahil sa 25-year age gap ng dalawa.

Si Maris ay 23-years old lamang noon, habang si Rico naman ay 48-years old naman nang maging sila.

Marami tuloy ang nanghihinayang sa tatlong taon ng pagiging sweet couple nila.

Isa sa kinaaliwan ng marami ay ang duet ng mga paborito nilang kanta at pagtuturo kay Maris kung paano magmaneho ng kotse.

Hindi naman inilahad ng dalawa ang dahilan ng kanilang hiwalayan.