-- Advertisements --

Makalipas ang ilang buwang usap-usapan, kumpirmado nang hiwalay ang South Korean singer-actress na si IU at actor na si Lee Jong-suk matapos ang apat na taong relasyon.

Kapwa kinumpirma ng kanilang agency ang hiwalayan ng dalawa ngayong Biyernes, Hulyo 10.

“It is true that they have ended their relationship,” ayon sa agency ni IU na EDAM Entertainment at agency ni Lee Jong-suk na Ace Factory.

Sinabi rin ng dalawang agency na nagpasya ang dalawa na manatiling “good colleagues.”

Base sa reports ng local media at isang source na pamilyar sa relasyon ng dalawa, humantong sa breakup ang busy schedule ng dalawa.

Marami namang fans ang nalungkot sa hiwalayan, na itinuturing ng ilan bilang isa sa biggest breakup ng taon.

Unang nagkakilala sina IU at Lee Jong-suk at naging magkaibigan noong 2012 nang maging co-host sila sa South Korean music programme na Inkigayo. Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong huling bahagi ng 2022.