-- Advertisements --

Pinayuhan ng Philippine Embassy in Paris ang mga Pinoy sa France na maghanda ng 72-hour emergency kits bilang parte ng kahandaan dahil sa kabilaang mga protesta sa naturang bansa.

Sa anunsyong inilabas ng embahada, inabisuhan ng French authorities ang publiko na maghanda ng emergency supplies upang mapaigting ang kahandaan sa posibleng krisis.

Inabisuhan din ang mga Pinoy na palaging dalhin ang kanilang importanteng mga dokumento tulad na lamang ng passport at residence permits.

Inabisuhan din ang mga Pilipinong naninirahan sa mga bansa sa Europa na magtabi ng perang euro bilang reserba kung sakaling mang hindi gumana o maging hindi magamit ang mga electronic payment system.

Kaugnay nito iba’t-ibang labor union na ang nakatakdang magkasa ng panibagong kilos protesta at mga demonstrasyon sa November 5 upang magpahayag ng panawagan tulad na lamang ng mataas na sahod, kalampagin ang gobyerno na aksyunan ang mataas na pamumuhay, at pagkakaroon ng maayos na serbisyo publiko.

Ayon naman sa embahada na handa silang bigyan ng kaukulang tulong ang mga Pinoy sakali mang kailanganin ng mga ito.