-- Advertisements --
image 3
Severe Tropical Storm Maring (Photo: Pagasa)

Lumakas pa ang bagyong Maring habang papalapit sa extreme Northern Luzon.

Ayon sa Pagasa, itinaas na nila sa severe tropical storm ang kategorya ng paparating na sama ng panahon.

Huli itong namataan sa layong 240 km sa silangan ng Aparri, Cagayan o 265 km sa silangan timog silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.

Signal No. 2:
Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur

Signal No. 1:
Natitirang parte ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, LaUnion, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Bataan, northern portion ng Quezon, kabilang na ang Polillo Islands at Calaguas Islands