Nagbabala ang Pagasa ng malakas na hangin at ulang dala ng severe tropical storm Maring.
Ngayong gabi kasi ito inaasahang tatama sa extreme Northern Luzon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 120 km sa silangan timog silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.
Signal No. 2:
Batanes, Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur
Signal No. 1:
Natitirang bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Bataan, northern portion ng Quezon, pati na ang Polillo Islands at Calaguas Island naman sa Camarines Norte.