Nanawagan si Marikina Mayor Marcy Teodoro sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad na ayusin ang nakitang crack o bitak sa Marikina Bridge.
Ang nasabing bitak aniya ay dahil sa ginawang flood interceptor project ng ahensya.
Ayon sa alkalde na ilang metro ang haba ng nasabing bitak na magdudulot ng kapahamakan sa mga dumadaang motorista.
Sumulat na rin ito sa DPWH at hinihintay niya ang tugon ng ahensiya ukol sa nasabing problema.
Desidido ito na magsampa ng kaso laban sa DPWH sakaling binalewala ang kanilang kahilingan.
Unang nadiskubre ang bitak noong Enero 6 ng maghukay ang DPWH ng pundasyon ng kanilang Sumulong Flood Interceptor project.
Pansamantalang naglagay ang Marikina local government unit ng mga buhangin para maiwasan ang pagguho nito.
Sa ngayon ay inaayos na rin ng DPWH ang bitak at matatapos ito sa mga susunod na araw.