-- Advertisements --

Ginawa ng legal ng Thailand ang Marijuana matapos na magdesisyon ang Food and Drugs Administration (FDA) ng bans na tanggalin sa kategorya ng narcotics drugs.

Sa buong Asya, ang Thailand ang kauna-unahang nagdecriminalize sa marijuana para gamiting medisina at sa industrial use.

Bunsod nito, hindi na maituturing na krimen ang pag-cultivate at pagkikipagkalakalan ng marijuana sa Thailand.

Subalit magiging limitado lamang ang Thai cannabis trade kung saan ipagbabawal ng bansa ang recreational use at production ng mahigit 0.2% tetrahydrocannabinol (THC) na isang psychoactive compound na naagbibigay sa mga users ng high sensation.

Plano ng public health minister na magpamahagi ng 1 million marijuana seedlings simula ngayong araw.

Kilala ang Thailand bilang conservative, Buddhist-majority country at sa tough policies nito sa drug trafficking at pagkontrol sa alcoholic drinks subalit nagbunsod sa naturang Asian country na ilegalize ang Marijuana sa layong mapalakas ang agriculture at tourism sectors ng bansa.

Dati na ring kilalang cultivator ng cannabis at producer ng marijuana ang Thailand noong 1970s at 1980sbago ito ipatigil bilang kooperasyon sa war on drugs ng Amerika.