Masayang ibinahagi ni Robin Padilla na ligtas na isinilang ng celebrity wife na si Mariel Rodriguez ang kanilang pangalawang anak.

Una nang naiulat na babae uli ang baby No. 2 nina Mariel at Binoe na pinangalanang “Maria Gabriela de Padilla.”

“God is great! My wife had her dream fulfilled again,” caption ng 49-year-old actor sa larawan nila ng misis habang nasa ospital.

Dagdag pa ng tinaguriang Bad Boy in Philippine showbiz, sa pamamagitan ng “natural birth” sa Amerika iniluwal ng 35-year-old actress ang kanilang second baby.

Nitong Mayo nang ianunsyo ni Mariel na siya ay three months pregnant na aniya’y “perfect Mother’s Day” gift.

Taong 2016 nang isilang si Isabella, anim na taon matapos ang kontrobersyal na pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng private ceremony sa Taj Mahal sa India.

Kung maaalala, dalawang miscarriage ang naranasan ng TV host bago ang matagumpay na panganganak.