Ipinahayag ng dating Japanese adult star na si Maria Ozawa ang kagustuhang magpalaki ng kanyang magiging anak sa Pilipinas, dahil sa malalim na pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pamilya.
Sa isang panayam ni Julius Babao, sinabi ni Ozawa: “If I’m going to marry or have a family, I would like to raise my kids here in the Philippines.”
Ayon pa kay Ozawa, mas pinili niyang manirahan sa Pilipinas matapos maranasan ang hospitality ng mga Pilipino, na aniya’y hindi niya naranasan sa Japan.
“Everybody is very welcoming… The hospitality I never had in Japan. The food is good. The weather is nice. The beaches are the best,” ani Ozawa.
Dagdag niya, ang pananatili sa bansa ay nakatulong upang maging mas mabuting tao siya pagdating sa relasyon at pamilya.
“Family comes first. That’s what I learned here. It’s the opposite in Japan.”
Bagama’t dating mas gusto niyang makipagrelasyon sa mga Pilipino, inamin ni Ozawa na language barrier ang naging hadlang kaya ngayon ay kapwa Hapon ang kanyang karelasyon.
Hindi pa aniya sila nagpaplano ng kasal, ngunit pareho raw nilang gustong magtayo ng negosyo sa Pilipinas.
Natanong din si Ozawa tungkol sa kanyang mga nakaraang relasyon, kabilang na ang dating karelasyong Pinoy celebrity chef na si Jose Sarasola.
Ayon sa kanya, habang ang ilang karelasyon ay tinanggap ang kanyang dating propesyon, may ilan din na kalaunan ay nagbago ng pagtingin at naging isyu ito sa kanilang relasyon.
Sa kasalukuyan, si Maria Ozawa ay host ng travel show na umeere tuwing 9:30 ng gabi, at mayroon ding podcast.