Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at French President Emmanuel Macron na palakasin pa ang uganayan sa pagitan ng Pilipinas at France.
Ito ay matapos na mag-usap sa telepono ang dalawang leader kung saan tinalakay nila ang ilang mga global issue kasabay nang pangakong palalakasin pa ang bilateral ties sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa isang statement mula sa tanggapan ni Macron ay muli niyang pinagtibay ang commitment ng France pagdating sa Indo-Pacific region, partikular na ang maritime situation at gayundin sa pagpapanatuli ng biodiversity, at iba pa.
Habang sa panig naman ni Pangulong Marcos ay kaniya namang ibinahagi na pareho nilang kinilala ang 75-taong diplomatikong relasyon sa pagitan ng France at Pilipinas na nagpapahayag naman ng pag-asa para sa mas malalim pang kooperasyon sa hinaharap.
Bukod dito ay nagkasundo rin ang dalawang bansa na palalimin pa ang palitan sa ilang fields tulad ng carbon energy, food security, at defense.
Kung maaalala, matagal nang suportado ng European nation ang Pilipinas pagdating sa paggiit ng arbitral victory nito laban sa China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Matatandaan na kabilang ang France sa maraming bansa na naglayag noon sa West Philippine Sea upang ipakita ang pagbibigay-diin nito sa kalayaan sa paglalayag sa mga karagatang piliy na inaangkin ng China sa pamamagitan ng nine-dash line na una na ring pinawalang-bisa ng UNCLOS-backed tribunal noong taong 2016.