-- Advertisements --

Nakatanggap ng mataas na approval ratings ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa Pulse Asia Survey, na mayroong 11 sa 13 national issues na nakakaapekto sa Filipino ang nakakuha ng magandang approval.

Subalit nagkaroon ng mababang approval ratings ito sa pagkontrol sa inflation at pagbabawas ng kahirapan sa bansa.

Ilan sa mga may mataas na nakuha ay ang pagresponde sa mga natatamaan ng kalamidad na mayroong 78% rating haggn ang pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 ay mayroong 78%, nakakuha naman ng 69 percent ang promosyon ng kapayapaan sa bansa at ang pagprotekta sa kapakanan ng overseas Filipino workers na mayroong grado na 68%.

Isinagawa ang face-to-face survey mula Setyembre 17 hanggang 21 sa may 1,200 Filipinos na edad 18 pataas.