-- Advertisements --

Kampante na sinabi ni Senator Rodante Marcoleta na handa siyang ”magpakulong, kung kinakailangan” kaugnay ng kasong plunder na iniuugnay sa umano’y iregularidad sa kaniyang election campaign funds.

Ginawa ni Marcoleta ang pahayag kasunod ng ikalawang araw na kilos protesta ng Iglesia ni Cristo (INC), kung saan sinabi niyang hindi siya nag-aalala sa anumang hakbang na maaaring isagawa laban sa kaniya.

“Nakahanda po akong magpakulong. Kung kinakailangang maaresto po ako, wala pong problema,” ani Marcoleta.

Iginiit pa ng senador na handa siyang harapin ang anumang reklamong ihahain laban sa kaniya sa pamamagitan ng umiiral na proseso ng batas.

Sa kasalukuyan, wala pang desisyon ang hukuman kaugnay ng mga alegasyon kay Marcoleta.

Nananatili rin ang presumption of innocence ng senador hangga’t hindi siya napatutunayang nagkasala.

Matatandaang libu-libong miyembro ng Iglesia ni Cristo ang nagtipon sa People Power Monument sa Quezon City noong Hunyo 30 at Hulyo 1 bilang bahagi ng kanilang pag-suporta kay Marcoleta.

Liban dito, bagama’t una nang tumutol ang INC, ani Ka. Edwil Zabala sa isang panayam na magpapatuloy ang kanilang panawagan para sa katarungan anuman ang maging resulta ng mga kasong kinahaharap ni Marcoleta.

“Even if Marcoleta is imprisoned, the group will continue demanding justice for fellow Filipinos who have been robbed,” saad ni Zabala.