-- Advertisements --

Malabo umanong mangyari ulit ang Marawi Siege-like attack sa Mindanao ayon kay Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong.

Ito ay sa gitna na rin aniya ng pagsisikap ng security forces, mga lokal na pamahalaan at komunidad para malansag ang natitira pang extremist groups.

Sinabi din ni Cong. Alonto na siya ring tumatayong Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation chair na sa pamamagitan ng suporta ng LGUs, napalaya ang siyudad.

Ginawa ng mambabatas ang naturang pahayag matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng AFP at mga miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute Group sa Munai, Lanao del Norte noong Pebrero 18 na ikinasawi ng 6 na sundalo ay 4 naman ang sugatan.

Sinabi din ng kongresista na ang engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at natitirang terrorist group ay maaaring isolated incidnet lamang gaya sa ibang lugar sa Mindanao.