-- Advertisements --

Ipapadala na sa House of Representatives ang inaprubahang panukala ng House Committee on Disaster Resilience na pinangungunahan ni Rep. Lucy Torres-Gomez mula sa 4th District ng Leyter.

Ang “Marawi Siege Compensation Act” ay magtatakda ng tulong pinansyal para sa mga kabahayan, gusali, at iba pang ari-arian sa Marawi City na lubhang naapektuhan sa 5 buwan na kaguluhan noong 2017.

Halos 1,000 katao ang iniwang patay ng gyera sa pagitan ng Islamic State-linked militants at tropa-militar ng gobyerno sa Marawi City nong May 23, 2017. Ito rin ang naging dahilan nang pagpapatupad ng Martial Law sa buong bahagi ng Mindanao.

Umaasa naman si Lanao Del Sur Rep. Khalid Dimaporo na lulusot sa legislative chambers ang naturang panukala ngayong taon.

Hinikiyat din ni Cong. Torres-Gomes ang Task FOrce Bangon Marawi na gumawa ng master list para mas madaling malaman ang bilang ng mga internall displaced persons (IDP) at tukuyin ang qualified beneficiaries.