-- Advertisements --

Umaapela sa national government ang mga lider ng Marawi City at iba pang civl society organizations sa Mindanao na gawing prayoridad ang reconstruction ng lungsod, apat na taon nang pasukin ito ng Maute group.

Sa isang statement, nananawagan ang Marawi Advocacy Accompaniment (MAA) sa Duterte administration na bilisan ang reconstruction sa lungsod upang sa gayon ay makabalik na sa kanikanilang mga bahay ang mga apektadong residente.

“We, Maranao leaders and members of various civil society organizations along with our partner communities from Mindanao belonging to the network called Marawi Advocacy Accompaniment (MAA) today call on the Philippine government to accelerate its efforts on rebuilding the City of Marawi and prioritize the immediate, safe and dignified return of the displaced communities and provide just compensation for Marawi Siege victims,” saad ng MAA.

Sa anibersaryo ng madugong bakbakan sa pagitan ng pamahalaan at ng Maute group, inaalala ng MAA ang mga inosenteng buhay na nasawi, mga nawalan ng tirahan at mga pamilyang apektado ng trahedyang ito.

Magugunita na Mayo 23, 2017 nang pasukin ng Maute group ang town center ng Marawi at inokupa ang buong lungsod.

Oktubre nang taon din iyong nang tuluyang nakalaya ang Marawi City mula sa mga kamay ng Maute group dahil na rin sa opensibang inilunsad ng pamahalaan.

Subalit, sa kalagitnaan ng pangyayaring ito, ilang mga bahay at imprastraktura ang nasira.


Makalipas ang apan na taon, hindi pa rin nakakabalik sa kanilang mga tahanan ang mga residente ng lungsod.

Ayon sa MAA maraming pangako ang sinabi ng pamahalaan subalit kakaunti lamang sa mga ito ang natupad.

Kabilang na rito ang pagbibigay ng just compensation sa nawalang kabuhayan at pag-aari ng mga paektadong pamilya.

Umaapela rin ang MAA sa pamahalaan na magkaroon ng transparency sa kung saan napunta ang pondo at donasyon para sa lungsod.