-- Advertisements --

Nakapagtala ng mas maraming volcanic earthquakes ang Mayon Volcano sa mga nakalipas na 24 oras ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sa kabila nito ay hindi pa rin itinataas sa Alert Level 4 ang naturang bulkan.

Sa bulletin report na inilabas ng Phivolcs nitong Lunes inihayag nito na nakapagtala ang bulkan ng halos 21 na mahihinang volcanic earthquake at 260 na rockfall events.

Noong Sabado naman ay naitala ng Phivolcs ang isang lindol at 177 na rockfall event.

Dagdag pa ng ahensya, nakitaan rin ng naturang ahensya ang bulkan mayon ng tatlong dome-collapse pyroclastic density currents na tumagal ng dalawa hanggang apat na minuto noong Linggo.

Sa isang pahayag , sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology director Teresito Bacolcol na sa ngayon ay mahirap pang matukoy kung ang ilang mga parameter na kanilang minomonitor sa bulkan ay maari ng maging indicator upang itaas sa alert level 4 ang bulkan.