-- Advertisements --
NAIA ofw passengers 1

Binigyang-diin ng Department of Tourism (DOT) ang kahanga-hangang pagdating ng mga foreign tourist na bumibisita sa bansa bilang isa sa mga kapansin-pansing tagumpay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang unang 100 araw sa panunungkulan.

Ibinunyag ni DOT Secretary Christina Garcia Frasco na halos nalampasan na nila ang 1.7 million projected tourist arrivals ng DOT mula Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon.

Sa ngayon, nakapagtala na ang DOT ng 1.6 million tourist arrivals simula noong Hulyo, at inaasahang madaragdagan pa ang bilang dahil malapit na ang holidays.

Sinabi ni Frasco na napakaraming nagawa ng Pangulo sa kanyang unang 100 araw ng administrasyon, lalo na sa pagtataguyod ng Filipino herald sa pandaigdigan.

Nagpahayag din ng paghanga ang tourism chief sa walang patid na suporta ni Pangulong Marcos Jr. sa industriya ng turismo.

Ayon kay Frasco, ito ay sumasalamin sa mga pagsisikap na ginawa ng administrasyon upang isulong ang pagbangon ng industriya ng turismo ng Pilipinas.