-- Advertisements --
Maraming katao ang nasugatan sa naganap na dalawang pagsabog sa isang counterterrorism facility sa northwest Pakistan.
Sinabi ni Provincial police chief Akhtar Hayat na hindi pa nila alam kung anong uri ng bomba ang sumabog sa Swat Valley facility na matatagpuan sa Khyber Pakhtunkhwa province.
Makikita sa lugar ang Kabal district police station at headquarters ng reserve police force.
Isang anggulo na kanilang tinitignan ay ang pagsabog ng mga lumang bala at kung mayroong naganap na pag-atake ng mga militanteng grupo.
Karamihan sa mga nasawi ay mga kapulisan na miyembro ng counterterrorism office.
Wala pang grupong umako sa nasabing pagsabog.