-- Advertisements --

Maraming mga residente ng Sydney ang pinalikas dahil sa malawakang pagbaha dulot ng pag-ulan.

Sinabi ni Stephanie Cooke ang emergency service ng New South Wales, na lubhang mapanganib ang nasabing baha.

Umapaw na rin ang dam na ikinakabahala ng mga otoridad kaya ipinag-utos na nila ang paglikas.

Naniniwala naman ang mga eksperto na kaya lumalala ang mga pagbaha dahil sa epekto ng climate change.