Kazakhstan map
Kazakhstan map

Maraming mga refugees sa Kazakhstan ang umalis at nagtungo sa Kyrgyzstan matapos ang nangyaring alitan ng dalawang ethnic group.

Aabot sa 10 katao ang nasawi at 39 ang sugatan sa nasabing sagupaan sa Jambyl region.

-- Advertisement --

Sinasabing nagkaroon ng alitan ang ethnic group ng Kazakhs laban sa mga Dungans isang Muslim group na may Chinese origin.

Pinatuloy naman ng mga Kyrgyzstan ang mga tumawid sa border nila ng Kazakhstan.

Pinagsusunog at sinira ng ilang mga grupo ang gusali na agad namang namagitan ang mga otoridad.

Tiniyak naman ni President Kassym-Jomart Tokayev na natapos na ang nangyaring kaguluhan sa lugar.