-- Advertisements --

Maraming pasahero ng eroplano ang sugatan matapos na magkaroon ng aberya ang isang fligh mula Australia patungong New Zealand.

Nasa 50 katao ang dinala sa pagamutan pagdating nila sa Auckland, New Zealand matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa LATAM Airlines na nagkaroon ng aberya ang kanilang Flight LA800 na nagresulta sa malakas na paggalaw sa loob ng eroplano.

Hindi na nila binanggit pa kung anong uri ng technical issues ang narasana ng nasabing eroplano.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa Chilean Boeing 787.

Nagtungo na rin ang mga opisyal ng Chile aviation office sa New Zealand para isagawa ang nasabing imbestigasyon.