Kinomenda ni Isreali Prime Minister Banjamin Netanyahu ang naging desisyon ni United States President Donald Trump na pagbomba sa mga nuclear sites ng Iran na Fordow, Netanz at Esfahan.
Ani Netanyahu, ang naging desisyon na ito ni trump ay nagpapakita lamang aniya ng kaniyang pakikiisa na tapusin na ang paghhari ng tinawag nitong ‘most dangerous regime’ at bansang may pinakamapanganib na mga armas.
Aniya, ang liderato ni Trump ay gumawa ng makasaysayang desisyon na habang buhay na maitatala sa kasaysayan ng mundo.
Ito aniya ang magdadala sa buong Middle east at maging sa iba pang mga bansa ng kaunlaran at kapayapaan.
Samantala, nagpasalamat si Netanyahu kay Trump dahil sa matagumpay nitong pagsira sa mga nuclear sites ng Iran ng may buong tapang at lakas.