Malamig nang bangkay ng matagpuan ng mga otoridad ang nawawalang law student ng De La Salle University sa Naic, Cavite nitong Sabado.
Kinilala ang biktima bilang si Anthony Granada, 25 anyos na siyang nawawala simula pa nitong nakaraang linggo, Hunyo 8.
Batay sa mga paunang ulat ng Taguig City Police, huling nakita si Granada na sumasakay sa isang sasakyan na siyang patungo sa Naic Town Plaza.
Sa isang CCTV footage naman sa bahagi ng Lopez Jaena Bridge nitong Hunyo 17, nakitang naglalakad ang biktima ng mag-isa pasado 9:20pm at nitong Sabado, Hunyo 21 ay natagpuan nang walang buhay si Granada sa isang bakanteng lote sa Branagay Sapa, sa Naic, Cavite.
Ayon sa mga otoridad, nasa advanced state of decomposition na ang bangkay nang matagpuan sa bakanteng lote.
Sa kasalukyan ay patuloy ang ikinakasang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang kaso habang humihingi naman ng privacy ang pamilya ng biktima sa publiko.