Sinibak ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kasalukuyang hepe ng Board of Special Inquiry na si Atty. Gilberto Repizo ng Bureau of Immigration.
Sa bisa ng isang Department Order ng kagawaran na inisyu ng kalihim, inialis si Atty. Repizo sa kanyang pagkakaupo sa kanyang puwesto.
Kung saan itinalaga ni Secretary Jesus Remulla si Atty. Ruben Casibang Jr. bilang ‘acting chief’ ng Board of Special Inquiry bilang kapalit ng sinibak na si Repizo.
Nakasaad sa department order na agaran itong ipatutupad lalo pa’t ngayon ay nailabas at naisyu na ito ng kagawaran.
Maalala na nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Repizo at ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado matapos niyang akusahan na inaantala nito ang ilang deportation case, at isinawalat ang umano’y mga kalakaran sa tanggapan.