-- Advertisements --

Maraming mga negosyante sa bansa na magiging matatag pa ang negosyo nila ngayong taon.

Sa Business Expectations Survey (BES) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong 34% ang Overll Business Outlook Index na ito ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon na mayroong 32.9%.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula Enero 16 hangang Marso 6.

Ang higher confidence index (CI) ay ibinase sa consumer demand para sa mga produkto at serbisyo.

Nakatulong ng malaki dito ang pagbubukas ng tuluyan ng mga business activities sa bansa.

Malaki rin ang tiwala ng BSP na magtutuloy-tuloy na ang pagbubukas ng negosyo para hindi lalong maapektuhan ang mga negosyo.