Mas maraming mga Pilipino ang ikinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap bunsod ng inflation ayon sa National Economic Development Authority (NEDA).
Iniugnay ni NEDa Secretary Arsenio Balisacan ang pagtaas sa bilang ng mga Pilipinong iniuri ang kanilang sarili bilang mahirap sa ikatlong quarter ng kasalukuyang taon dahil sa inflation partikular na sa essential commodities.
Ipinunto din ng kalihim na ang sunud-sunod na bagong tumama sa ating bansa ay nakaapekto sa mga pamilya na hindi makasabay sa tumataas na presyo ng mga bilihin.
Sinabi din ng kalihim na napansin nila na ang inilabas na pinakabagong resulta ng survey mula sa Social Weather Stations noong Setyembre ay isinagawa pagkatapos ng sunud-sunod na bagyong tumama sa bansana nakaapekto sa presyo ng mga pagkain at direkta ding nakaapekto sa ma pamilyang kapos sa buhat para makarekober mula sa mataas na presyo ng mga bilihin.
Sa naturang survey, lumalabas na 48% ng pamilyang Pilipino ang iniuri ang kanilang sarili bilang mahirap na tumaas mula sa 12.5 million noong Hunyo sa 13.2 million noong Steyembre.
Sa kabila nito, sinabi ng NEDA chief na nananatiling nakatutok ang pamahalaan sa pagpapababa ng bilang ng mga mahihirap na Pilipino sa 9% sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa taong 2028 sa pamamagitan ng iba’t ibang sstratehiya at whole-of-society approach.
Kabilang na dito ang pagrolyo ng Food Stamp prograam, pagtanggal ng pass-through fees sa mga sasakyang nagdadala ng mga pagkain at pamamahagi ng tulong pinansiyal taret ang mahihirap na indibidwal at pagprayoridad sa paglikha ng de kalidad na trabaho na epektibong paraan para mabawasan ang kahirapan sa bansa.