Hindi sumunod sa National Building Code ang mga gusali na gumuho sa magkakasunod na lindol sa Cotabato nitong nakaraang linggo.

Ito mismo ang kinumpirma ni PHIVOLCS Science Research Supervisor Jeffrey Perez, matapos ang kanilang ginawang pagsusuri.

Dagdag pa nito na pawang mga substandard ang nasabing mga construction materials na ginamit.

May ilang gusali aniya na tila magkakapareho ang pagkakagawa magkakahalintulad ang mga ito ng masira.

Hinikayat na lamang nito ang mga contractor na sundin na lamang ang tamang isinasaad sa building code para hindi na magkaroon pa ng matinding pinsala.