-- Advertisements --

Maraming mga Filipino ang nahihirapan sa ipinatupad na blended learning.

Ito ang naging datos ng Social Weather Stations (SWS) kung saan mayroon 89 percents na mga pamilya na mayroong mga anak ang nagsabing mas mahirap ang blended learning kumpara sa face-to-face learning.

Sa nasabing survey na 60 percent ng pamilya ang naglalaan ng maraming oras para sa turuan ang kanilang mga anak.

Mayroong 28 percent naman ang nagbibigay ng kaunting oras habang ang natitirang 11 percent ang nagsabi na hindi sila nagbibigay o kaunting oras lamang ang naibibigay na oras sa pagtuturo ng kanilang mga anak.

Isinagawa ang survey mula Nobyembre 21-25 sa 1,500 na adults sa buong bansa.