-- Advertisements --

Mas dumami pang mga Filipino ang nagiging komportable sa online shopping kahit na nagbukas na ang mga malls.

Ayon sa pag-aaral ng social media giants na Meta, na mayroong 79 percent na mga magulang ang nagsabing mas gusto nila ang online shopping.

Pito sa 10 mga shoppers ang nakadiskubre at bumili na rin sa mga social media platforms.

Tumaas rin ang bilang ng mga Filipino na tumangkilik sa mga online sales kumpara noong bago magkaroon ng COVID-19 pandemic.