-- Advertisements --

Kinondina ng US at maraming mga bansa ang ipinataw ng Russia na 25-taon na pagkakakulong sa kilalang krtiko ng gobyerno na si Vladimir Kara-Murza.

Sinabi ni US State Department principal deputy spokesperson Vedant Patel na biktima lamang si Kara-Murza sa ginagawang pagpapaptahimik ng Russian government sa mga bumabatikos sa kanila.

Panawagan naman ng France sa Russia na dapat irespeto nito ang international human rights law at palayain ang mga political prisoners.

Magugunitang bukod kay Kara-Murza ay ikinulong din ng Russian government si Alexey Navalny.