Gumagawa na ng paraan ang United Kingdom na mailikas ang kanilang mga mamamayan na naiipit sa kaguluhan sa Sudan.
Sinabi ni UK minister Andrew Mitchell na noong nakaraang araw ay kanilang nailikas na ang kanilang mga diplomats at kanilang mga pamilya.
Nagpakalat na rin ng mga intelligence agents ang US para magbigay ng mga seguridad sa isinasagawa nilang land evacuation routes para sa mga American Citizen na lumilikas sa Sudan.
Ayon kay US Department of Defense Gen. Pat Ryder na sila ay nakikipag-ugnayan sa dalawang panig sa Sudan para matigil na ang kaguluhan.
Bukod kasi sa dalawang bansa ay nagsagawa na rin ng paglikas ang mga ibang mga bansa.
Mula ng sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Sudanese army at paramilitary ay umabot na sa mahigit 420 katao ang nasawi.