-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Marami umano ang natalo sa pustahan sa US sa Game 6 ng NBA finals.

Ayon sa report ni Bombo international correspondent Greg Aguilar, umasa ang karamihan na hindi pa final game ang nangyaring Game 6 na agad na tinapos ng Golden State Warriors.

Karamihan aniya sa mga oddmakers ay naniwalang magkakaroon pa ng Game 7 sa Lunes dahilan na mayorya sa mananaya ay pumabor na mananalo ang Boston Celtics.

Sa Las Vegas odds aniya bago pa man magsimula ang laro sa TD Garden, sinabi ni Aguilar na ang Celtics ay minus -170 moneyline favorite habang ang Warriors ay plus +143 underdog.

Dagdag pa nito na sa pagsisimula pa lamang ng 2021-22 NBA regular, ang basketball betting market ay masyado ng naging mainit sa mga mananaya.